Thursday, September 23, 2010

An Attempt To Write In My Native Language

“Ala-othelo siyang naging taga-hukom ng aking pagkakababae: birhen o puta?”-linya mula kay genevieve asenjo sa kanyang tulang “trahedya ng isang birhen”. (I really find these line unforgettable and it paved way for me writing this...)
Dali-dali mo akong hinila sa isang eskinita sa may Tandang Sora. Sinubukan kong pumiglas, pero pinaso mo ako ng sigarilyong galing sa iyong bibig. Gusto kong sumigaw at umiyak.  Ramdam ko ang hapdi ng upos nitong dumampi sa aking balikat at pati na rin ang agos ng aking pigil na luha. Kasalanan ko ba? Wala akong ginawang masama.
Isa akong puta. Isa akong birhen. Isa akong babae. Anong karapatan mong humusga?
Nasadlak ako sa isang pader nang itulak mo ako. Unti-unti akong binalot ng malamig na ihip ng hangin. Humiga ako sa sahig na hindi alintana ang dumi ng lugar na ito. Putik—naramdaman ko ang putik na humahalo sa aking sikmura dahil sa pagkasuklam sa iyo. Putik na kasing dumi ng lugar na ito at kasing dumi ng pagkatao mo. Nakita kitang umupo sa tabi ko. Naamoy ko ang usok. Narinig ko ang iyong ungol. Ngunit wala akong makita. Hanggang sa ang mahinang tinig ay naging hiyaw, hiyaw na hanggang sa ako'y mamatay ay patuloy kong kasusuklaman.
Galit ako sa’yo, at sa lahat ng lalaking katulad mo. Puta. Birhen. Pare-pareho kaming babae. Sino kang hukom na mananakit sa aking pagkatao?
Nagsindi kang muli ng sigarilyo at tumayo. Iginapang mo ang iyong daliri sa aking buhok at biglang mong itong hinila. Hinanap ko ang boses ko upang sumigaw, pero kasama ng nawawala kong tinig ang sakit na dapat nararamdaman ko ngayon. Wala akong maramdaman. Binugahan mo pa ako ng usok at tinitigan hanggang binitawan mo ako. Bumalot sa akin ang naiwang usok at saka patuloy lumisan kasama ng aninong nagtatago sa iyong likuran.
Umalis ka na!
Paulit-ulit ko itong isinigaw at paulit-ulit rin ang pagtanggap ko ng sampal mula sa iyo. Hanggang sa tumigil ang lahat. Tumigil ang mga saksakyan sa pagbusina. Tumigil ang mga ale sa pagtsi-tsimisan. Tumigil ang mga bata sa pag-iyak. Tumigil ang ingay at napalitan ng nakakabinging katahimikan. Yumuko ako at hinanap ang natitirang kong sarili sa sahig. Hanggang sa narinig ko ang mga yapak mong papalayo sa akin at hindi ka na lumingon pa. Nabuhay muli ang ingay ng musika sa aking paligid. Tinanaw kitang lumisan sa aking tabi at kasabay noon, ang pagkalag ng tanikalang nakagapos sa aking mga kamay at paa.


My commentary on the patriarchal society that continuously raping the identity of us, women.

No comments:

Post a Comment